← QIV

Tagalog · Pratonton / Preview

Unawain ang Qur’an

102. Surah At-Takathur

Pinagmulan: QuranEnc.com · Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center · v1.1.4

Pakinggan ang salin habang binabasa ang Arabe

Boses na binuo ng computer para sa salin ng kahulugan; hindi ito pagbigkas ng Qur’an. Sinusuri pa ang audio.

102:1

أَلۡهَىٰكُمُ ٱلتَّكَاثُرُ

Nagpalibang sa inyo ang [makamundong] pagpaparamihan

102:2

حَتَّىٰ زُرۡتُمُ ٱلۡمَقَابِرَ

hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan.[1]

Mga tala ng tagapagsalin

[1] hanggang sa namatay kayo at nanatili kayo sa mga libingan hanggang sa Araw ng Pagbangon.

102:3

كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

Aba’y hindi! Malalaman ninyo.

102:4

ثُمَّ كَلَّا سَوۡفَ تَعۡلَمُونَ

Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo.

102:5

كَلَّا لَوۡ تَعۡلَمُونَ عِلۡمَ ٱلۡيَقِينِ

Aba’y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan,

102:6

لَتَرَوُنَّ ٱلۡجَحِيمَ

talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno.

102:7

ثُمَّ لَتَرَوُنَّهَا عَيۡنَ ٱلۡيَقِينِ

Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan.

102:8

ثُمَّ لَتُسۡـَٔلُنَّ يَوۡمَئِذٍ عَنِ ٱلنَّعِيمِ

Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan [na ipinatamasa Niya sa inyo].

Inihahanda pa ang 29 koleksiyon ng pang-araw-araw na panalangin.