← QIV

Tagalog · Pratonton / Preview

Unawain ang Qur’an

109. Surah Al-Kafirun

Pinagmulan: QuranEnc.com · Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center · v1.1.4

Pakinggan ang salin habang binabasa ang Arabe

Boses na binuo ng computer para sa salin ng kahulugan; hindi ito pagbigkas ng Qur’an. Sinusuri pa ang audio.

109:1

قُلۡ يَٰٓأَيُّهَا ٱلۡكَٰفِرُونَ

Sabihin mo: “O mga tagatangging sumampalataya [kay Allāh],

109:2

لَآ أَعۡبُدُ مَا تَعۡبُدُونَ

hindi ako sumasamba sa sinasamba ninyo [na mga diyus-diyusan],

109:3

وَلَآ أَنتُمۡ عَٰبِدُونَ مَآ أَعۡبُدُ

ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh];

109:4

وَلَآ أَنَا۠ عَابِدٞ مَّا عَبَدتُّمۡ

ni ako ay sasamba sa sinamba ninyo [na mga diyus-diyusan],

109:5

وَلَآ أَنتُمۡ عَٰبِدُونَ مَآ أَعۡبُدُ

ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh lamang].

109:6

لَكُمۡ دِينُكُمۡ وَلِيَ دِينِ

Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.”

Inihahanda pa ang 29 koleksiyon ng pang-araw-araw na panalangin.