← QIV

Tagalog · Pratonton / Preview

Unawain ang Qur’an

111. Surah Al-Masad

Pinagmulan: QuranEnc.com · Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center · v1.1.4

Pakinggan ang salin habang binabasa ang Arabe

Boses na binuo ng computer para sa salin ng kahulugan; hindi ito pagbigkas ng Qur’an. Sinusuri pa ang audio.

111:1

تَبَّتۡ يَدَآ أَبِي لَهَبٖ وَتَبَّ

Napahamak ang dalawang kamay ni Abū Lahab[1] at napahamak siya!

Mga tala ng tagapagsalin

[1] Ang tiyuhin ng Propeta, na isa sa mga pinakamasugid na kaaway ng Islam.

111:2

مَآ أَغۡنَىٰ عَنۡهُ مَالُهُۥ وَمَا كَسَبَ

Hindi nakapagdulot para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.

111:3

سَيَصۡلَىٰ نَارٗا ذَاتَ لَهَبٖ

Masusunog siya sa isang Apoy na may lagablab

111:4

وَٱمۡرَأَتُهُۥ حَمَّالَةَ ٱلۡحَطَبِ

at ang maybahay niya [rin], na tagapasan ng kahoy na panggatong,

111:5

فِي جِيدِهَا حَبۡلٞ مِّن مَّسَدِۭ

habang sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.

Inihahanda pa ang 29 koleksiyon ng pang-araw-araw na panalangin.