Boses na binuo ng computer para sa salin ng kahulugan; hindi ito pagbigkas ng Qur’an. Sinusuri pa ang audio.
50:1
قٓۚ وَٱلۡقُرۡءَانِ ٱلۡمَجِيدِ
Qāf.[1] Sumpa man sa Qur’ān na maringal: [si Muḥammad ay talagang Sugo ni Allāh].
Mga tala ng tagapagsalin
[1] Ang Qur’ān ay nasa wikang Arabe na binubuo ng mga titiks Arabe gaya ng mga ito subalit walang isa mang nakagawa ng kahit pinkamaiikling kabanata ng mahimalang kababalaghan ng Qur’ān.
Bagkus nagtaka sila na dumating sa kanila ang isang tagapagbabala [na si Propeta Muḥammad] kabilang sa kanila, kaya nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Ito ay isang bagay na kataka-taka.
Kaya hindi ba sila tumingin sa langit sa ibabaw nila kung papaanong nagpatayo Kami nito at gumayak Kami nito [ng mga bituin], at wala itong anumang mga bitak?
ang mga naninirahan sa kasukalan [ng Midyan], at ang mga kalipi ni Tubba`. Bawat [isa] ay nagpasinungaling sa mga sugo [Ko] kaya nagindapat ang banta Ko.
Talaga ngang lumikha Kami sa tao, habang nakaaalam Kami sa anumang isinusulsol sa kanya ng sarili niya at Kami ay higit na malapit sa kanya kaysa sa ugat ng leeg.
[Sasabihin]: “Talaga ngang ikaw dati ay nasa isang pagkalingat rito, kaya humawi Kami sa iyo ng takip mo kaya ang paningin mo ngayong araw ay matalas.”
50:23
وَقَالَ قَرِينُهُۥ هَٰذَا مَا لَدَيَّ عَتِيدٌ
Magsasabi ang [anghel na] kaugnay niya: “Itong taglay ko [na talaan ng mga gawa niya] ay nakalaan.”
50:24
أَلۡقِيَا فِي جَهَنَّمَ كُلَّ كَفَّارٍ عَنِيدٖ
[Magsasabi si Allāh]: “Magtapon kayong dalawa sa Impiyerno ng bawat palatanggi na mapagmatigas,
50:25
مَّنَّاعٖ لِّلۡخَيۡرِ مُعۡتَدٖ مُّرِيبٍ
palakait ng kabutihan, tagalabag na tagapagpaalinlangan,
na sinumang natakot sa Napakamaawain nang nakalingid at naghatid ng isang pusong nagsisising bumabalik [sa Kanya].
50:34
ٱدۡخُلُوهَا بِسَلَٰمٖۖ ذَٰلِكَ يَوۡمُ ٱلۡخُلُودِ
Pumasok kayo rito [sa Paraiso] sa kapayapaan; iyon ay ang Araw ng Pamamalagi.”
50:35
لَهُم مَّا يَشَآءُونَ فِيهَا وَلَدَيۡنَا مَزِيدٞ
Ukol sa kanila ang anumang niloloob nila rito at mayroon Kaming isang dagdag.[3]
Mga tala ng tagapagsalin
[3] Ang dagdag ay ang pagkakita sa marangal na mukha ni Allāh at sa mga bagay na hindi nakita ng mata ni narinig ng tainga ni sumagi sa isip ninuman bago niyon.
Kay rami ng ipinahamak Namin bago nila na [makasalanang] salinlahi na higit na matindi kaysa sa kanila sa bagsik, saka gumalugad sila sa bayan; may mapupuslitan kaya?
Kami ay higit na maalam sa anumang sinasabi nila. Ikaw sa kanila ay hindi isang palasupil, kaya magpaalaala ka sa pamamagitan ng Qur’ān sa sinumang nangangamba sa banta Ko.
Inihahanda pa ang 29 koleksiyon ng pang-araw-araw na panalangin.