وَٱلتِّينِ وَٱلزَّيۡتُونِ
Sumpa man sa igos at oliba,[1]
Mga tala ng tagapagsalin
[1] na tumutubo sa Palestina, ang bayan ni Propeta Jesus
Tagalog · Pratonton / Preview
Pinagmulan: QuranEnc.com · Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center · v1.1.4
Boses na binuo ng computer para sa salin ng kahulugan; hindi ito pagbigkas ng Qur’an. Sinusuri pa ang audio.
وَٱلتِّينِ وَٱلزَّيۡتُونِ
Sumpa man sa igos at oliba,[1]
[1] na tumutubo sa Palestina, ang bayan ni Propeta Jesus
وَطُورِ سِينِينَ
sumpa man sa kabundukan ng Sinai,[2]
[2] na nakipag-usap doon si Propeta Moises kay Allāh
وَهَٰذَا ٱلۡبَلَدِ ٱلۡأَمِينِ
sumpa man sa matiwasay na bayang ito;[3]
[3] ng Makkah na bayan ni Propeta Muhammad
لَقَدۡ خَلَقۡنَا ٱلۡإِنسَٰنَ فِيٓ أَحۡسَنِ تَقۡوِيمٖ
talaga ngang lumikha Kami sa tao sa isang pinakamagandang paghuhubog.
ثُمَّ رَدَدۡنَٰهُ أَسۡفَلَ سَٰفِلِينَ
Pagkatapos nagpanauli Kami sa kanya sa pinakamababa sa mga mababa,
إِلَّا ٱلَّذِينَ ءَامَنُواْ وَعَمِلُواْ ٱلصَّٰلِحَٰتِ فَلَهُمۡ أَجۡرٌ غَيۡرُ مَمۡنُونٖ
maliban sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos sapagkat ukol sa kanila [sa Paraiso] ay isang pabuyang hindi matitigil.
فَمَا يُكَذِّبُكَ بَعۡدُ بِٱلدِّينِ
Kaya ano ang nagpapasinungaling sa iyo, matapos nito, sa [Araw ng] Pagtutumbas?
أَلَيۡسَ ٱللَّهُ بِأَحۡكَمِ ٱلۡحَٰكِمِينَ
Hindi ba si Allāh ay ang pinakahukom ng mga hukom?
Inihahanda pa ang 29 koleksiyon ng pang-araw-araw na panalangin.