← QIV

Tagalog · Pratonton / Preview

Unawain ang Qur’an

100. Surah Al-‘Adiyat

Pinagmulan: QuranEnc.com · Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center · v1.1.4

Pakinggan ang salin habang binabasa ang Arabe

Boses na binuo ng computer para sa salin ng kahulugan; hindi ito pagbigkas ng Qur’an. Sinusuri pa ang audio.

100:1

وَٱلۡعَٰدِيَٰتِ ضَبۡحٗا

Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal,

100:2

فَٱلۡمُورِيَٰتِ قَدۡحٗا

saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko],

100:3

فَٱلۡمُغِيرَٰتِ صُبۡحٗا

saka mga nanlulusob sa madaling-araw,

100:4

فَأَثَرۡنَ بِهِۦ نَقۡعٗا

saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok,

100:5

فَوَسَطۡنَ بِهِۦ جَمۡعًا

saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon [ng mga kaaway];

100:6

إِنَّ ٱلۡإِنسَٰنَ لِرَبِّهِۦ لَكَنُودٞ

tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila.

100:7

وَإِنَّهُۥ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٞ

Tunay na siya roon ay talagang isang saksi.

100:8

وَإِنَّهُۥ لِحُبِّ ٱلۡخَيۡرِ لَشَدِيدٌ

Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi.

100:9

۞ أَفَلَا يَعۡلَمُ إِذَا بُعۡثِرَ مَا فِي ٱلۡقُبُورِ

Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod

100:10

وَحُصِّلَ مَا فِي ٱلصُّدُورِ

at itinanghal ang nasa mga dibdib,

100:11

إِنَّ رَبَّهُم بِهِمۡ يَوۡمَئِذٖ لَّخَبِيرُۢ

tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid.

Inihahanda pa ang 29 koleksiyon ng pang-araw-araw na panalangin.