← QIV

Tagalog · Pratonton / Preview

Unawain ang Qur’an

99. Surah Az-Zalzalah

Pinagmulan: QuranEnc.com · Filipino Translation (Tagalog) - Rowwad Translation Center · v1.1.4

Pakinggan ang salin habang binabasa ang Arabe

Boses na binuo ng computer para sa salin ng kahulugan; hindi ito pagbigkas ng Qur’an. Sinusuri pa ang audio.

99:1

إِذَا زُلۡزِلَتِ ٱلۡأَرۡضُ زِلۡزَالَهَا

Kapag niyanig ang lupa sa [huling] pagyanig nito,

99:2

وَأَخۡرَجَتِ ٱلۡأَرۡضُ أَثۡقَالَهَا

at nagpalabas ang lupa ng mga pabigat nito,

99:3

وَقَالَ ٱلۡإِنسَٰنُ مَا لَهَا

at nagsabi ang tao: “Ano ang mayroon dito?” –

99:4

يَوۡمَئِذٖ تُحَدِّثُ أَخۡبَارَهَا

sa Araw na iyon ay magsasaysay ito ng mga ulat nito

99:5

بِأَنَّ رَبَّكَ أَوۡحَىٰ لَهَا

dahil ang Panginoon mo ay nagkasi rito.

99:6

يَوۡمَئِذٖ يَصۡدُرُ ٱلنَّاسُ أَشۡتَاتٗا لِّيُرَوۡاْ أَعۡمَٰلَهُمۡ

Sa Araw na iyon ay hahayo ang mga tao nang hiwa-hiwalay upang pakitaan sila ng mga gawa nila.

99:7

فَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٍ خَيۡرٗا يَرَهُۥ

Kaya ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kabutihan ay makikita niya iyon,

99:8

وَمَن يَعۡمَلۡ مِثۡقَالَ ذَرَّةٖ شَرّٗا يَرَهُۥ

at ang sinumang gumawa ng kasimbigat ng isang katiting na kasamaan ay makikita niya iyon.

Inihahanda pa ang 29 koleksiyon ng pang-araw-araw na panalangin.